Yay! I have another entry for this month — huling hirit sa Buwan ng Wika!
Mayaman ang Pilipinas sa wika. Sa rami ng isla at dami ng probinsya, marami rin tayong lengwaheng pwedeng maipagmalaki. Bukod dito, masyado rin tayong exposed sa kultura ng ibang lahi na dahilan kung bakit pati wika sa ibang bansa ay natutunan na rin natin.
Tulad ng ibang bagay, may pros and cons din ang pagkakaroon ng maraming wika. Ikaw, ano ang masasabi mo sa usaping ito?
Panoorin ang aking video tungkol dito:
EDITING NOTES
Na-enjoy ko ang pagsulat, pagshoot, at pag-edit ng video na ito. Hindi siya nagawa sa kung ano ang naimagine ko. Medyo naiiba talaga kapag kulang sa gamit, pero ayos lang. Masaya pa rin ako sa kinalabasan.
Isa ito sa mga pinakamabilis na nalikha ko. Siguro dahil planado nga ang lahat. Nagsimula sa script hanggang sa bawat ishushoot ko. Malaking tulong sa pag-fastpaced ng mga bagay-bagay ang latag.
Natagalan ako sa pagkuha ng tamang ilaw. Wala kasi akong studio lights. At mahirap ang medyo madilim na kuha kahit editable pa sa post. Magsusuffer ang quality. In the end, tinuloy na lang. Salamat na lang din dahil naitawid pa ng post editing ang quality kahit papano, pero kahit may ilaw kasi mula sa bahay, hindi ito laging sapat. Sana makabili na ako ng ilaw next time. :)
Isa pa sa challenge na na-encounter ko ay ang content mismo. Hindi ko alam kung offensive ba ang dating dahil medyo sensitive din ang topic. Minsan helpful din ang pagconsult sa kaibigan. At tandaan na as long as maayos ang intensyon at kinonsider mo talaga ang ibang tao, okay na yan.
Hindi rin naman perpekto ang kahit na ano at hindi mo mapi-please ang kahit na sino. Ang mahalaga ay ang diskusyon at sa diskusyon ay natututo tayo. :)
Buwan ng Wika
ᜊᜓᜏᜈ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜏᜒᜃ
xxx
C.I.A!
(Create & Inspire Always)
♡♡♡
© Inah Solacito and www.inahrte.com. All Rights Reserved. All images and videos posted here are personal properties of Inah Solacito, unless otherwise stated. Unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this site’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to Inah Solacito and www.inahrte.com with appropriate and specific direction to the original content.
Comments
Post a Comment