Ang "Kumusta?" ay isang pagbati ng mga Pilipino na katumbas ng "How are you?" ng mga Ingles. Ibig alamin ng katanungang ito kung ano ang lagay ng kausap mo. Pero sa konteksto ng "greeting" o pagbati, naiiba ang kahulugan nito.
Ayoko sa salitang 'Kumusta'?
Ilang beses na itong pumasok sa isipan ko —naisulat ko na sa journal ko, nailathala ko na sa mga deleted blogs ko, nabanggit ko na rin sa ibang tao... pero ngayong Buwan ng Wika, ninais kong gawing mas konktreto.Buwan ng Wika
Ang video na ito ay naglalayon lamang na gawing mas buhay ang naisip kong ito, hindi upang magsiwalat ng poot sa salitang "Kumusta." Ito ay pawang mga katanungang minsan ay bumagabag sa aking isipan.
Maganda ang wikang Filipino. Mas maganda kung minsan ay pagninilayan din natin ito o aalayan ng munting kwento.
Panoorin ang aking likha dito:
Isang magandang bagay ang pagkakaroon ng deadline o target date of posting. Sa pagkakataong ito, ninais kong makapaglabas ng isang video bago matapos ang Buwan ng Wika.
Tulad ng nabanggit, matagal na ang konseptong ito sa aking isipan at masaya akong maisakatuparan na sa wakas ang content na 'to.
Hindi ko alam kung paano gagawing video ang script na naisulat ko. Ano ba ang mga tamang visuals? Hindi masyadong napag-isipan kaya ginawang black and white na lang. Hehe.
Sa paggawa nito nauna ang kwento bago ang tugtog. Iba rin talaga ang dulot ng musika. Maswerte akong sakto sa emosyon na hinahanap ko ang nakuha kong libreng musika mula sa YouTube. Napapadalas ganito ang gawi ko. Hahanap muna ng musika bago magshoot ng mga videos.
Sabi pala ng iba, tula raw ang naisulat ko. Hindi ko alam. Medyo lito pa rin ako sa depinisyon ng tula. Marahil dahil sa tunog na dala ng sulat ko, pero hindi ba dahil lamang iyon sa Tagalog? At medyo diretso naman ang nais kong ipunto kaya ano nga ba, considered as tula nga ba 'to?
Para sa akin ay isa pa rin itong pagkukwento. Hehe. Sa tula rin naman ay may kwento pero sige, kayo na ang bahala humusga. Ang mahalaga ay mailabas ko ang mensahe at nakakatuwa rin na marami ang naka-relate mula sa muni-muni ko.
Sabi nila ay gumawa pa ako nang maraming ganito. Sige, sisikapin ko. :)
© Inah Solacito and www.inahrte.com. All Rights Reserved. All images and videos posted here are personal properties of Inah Solacito, unless otherwise stated. Unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this site’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to Inah Solacito and www.inahrte.com with appropriate and specific direction to the original content.
Panoorin ang aking likha dito:
EDITING NOTES

ᜃᜓᜋᜓᜐ᜔ᜆ
/kumusta/
xxx
C.I.A!
(Create & Inspire Always)
♡♡♡
© Inah Solacito and www.inahrte.com. All Rights Reserved. All images and videos posted here are personal properties of Inah Solacito, unless otherwise stated. Unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this site’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to Inah Solacito and www.inahrte.com with appropriate and specific direction to the original content.
Comments
Post a Comment